Pagpapaliwanagin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga operator ng mga transportation network vehicle gaya ng Grabtaxi, Grabcar at Uber.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ito ay dahil sa dumagsang reklamo ng mga mananakay laban sa mga isnaberong mga driver ng nasabing mga sasakyan.
Kabilang aniya sa naging mga reklamo ay ang pagiging choosy ng mga ito at paghinge ng mas malaking tip bago magsakay.
Bukod sa pagiging isnabero, nakatanggap din umano ang LTFRB ng reklamo laban sa mga driver na nag cu-cutting trip kaya sa halip na mapadali ang biyahe ay mas nagiging problema pa ito sa mga mananakay.
By Rianne Briones