Iminungkahi ng isang mambabatas na lagyan ng wi-fi at internet service ang mga isolation facilities sa buong bansa.
Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, layon nitong makahiyakayat ng mga nagpopositibo sa COVID-19 na asymptomatic at may mild symptoms na i-isolate ang kanilang mga sarili sa mga facilities.
Hindi kasi aniya magiging hadlang ang komunikasyon sa kanilang pamilya at ‘di nito mararamdaman ang pagiisa sa sa isolation facilities dahil may mga free internet service dito.
Dagdag ni Castelo marami rin kasing quarantine centers sa mga probinsya ang malalayo ang lugar na wala man lamang signal o internet connectivity.