Tinitimbang pa ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga isyung bumabalot sa Executive Order sa Cebu City hinggil sa boluntaryong pagsusuot ng face masks.
Ayon kay Press secretary Trixie Cruz-Angeles, hinihintay pa ni Pangulong Marcos ang developments sa isinasagawang intervention ng Department of Interior and Local Government.
Una nang inihayag ni Interior secretary Benhur Abalos na pumayag ang Cebu City Local Government na ipagpaliban ang implementasyon ng naturang kautusan.
Gayunman, nilinaw ni Cebu City Mayor Mike Rama na nilagdaan na niya ang Executive Order.
Iginiit naman ng Department of Health na magiging mas mahirap ang pag-control sa COVID-19 pandemic kung magkakaroon ng magkakaibang protocols sa iba’t ibang panig ng bansa.