Sumampa na sa mahigit 8,000 ang bilang ng istranded na mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa bagyong Urduja.
Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard, nasa kabuuang 8,483 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan ng Bicol, Eastern at Western Visayas at Maynila.
Kaugnay nito, nagpatupad na rin ang Coast Guard ng No Sail Policy sa puerto ng Lipata sa Surigao City.
Kaugnay nito, pinayuhan ni NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan ang publiko na ipagpaliban na lamang muna ang mga biyahe upang maiwasan ang pagdami pa ng mga maiistranded sa mga pantalan.