Napinsala ang ilang istruktura sa Bukidnon kasunod ng pagtama ng 5. 9 magnitude na lindol kagabi.
Sa isinagawang inspeksyon, nakitang nagkaroon ng bitak ang ilang bahagi ng Municipal Hall at Sangguniang Bayan ng Kadilingilan.
Nag-collapse rin ang bubong at pader ng maraming tahanan sa Don Carlos.
Sa nasabi ring bayan, nasa mahigit 150 mga pasyente sa mula sa dalawang ospital ang inilikas sa lugar.
Dahil sa malawakang pinsala, pansamantalng sinuspinde ang pasok sa lokal na pamahalaan ng Don Carlos.
Habang kinansela rin ang klase sa lahat ng antas mapribado man o pampubliko sa Cotabato City; Maramag, Bukidnon; Quezon, Bukidnon at Valencia, Bukidnon.