Irerekomenda na ng Department of Tourism (DOT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa loob ng dalawang buwan ng lahat ng istruktura sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Ito, ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, ay upang magbigay daan sa pagsasa-ayos ng istruktura at drainage system ng mga establisyimento sa isla.
Alinsunod sa kanilang rekomendasyon na isusumite mamaya kay Pangulong Duterte, simula Hunyo hanggang Hulyo ang temporary closure kung saan kaunti ang mga turista sa Boracay.
Kailangan pa rin anyang talakayin nila ni Environment Secretary Roy Cimatu ang planong temporary closure.
Gayunman, tutol ang lokal na pamahalaan ng malay sa plano ng DOT at DENR dahil nasa 50,000 manggagawa ang maapektuhan o mawawalan ng trabaho.
RPE