Hindi lamang isyu ng West Philippine Sea at Enhanced Defense Cooperation ang tututukan sa state visit ng Pangulong Noynoy Aquino sa Japan.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bahagi rin ng schedule ng Pangulo ang pakikipagpulong sa mga tinaguriang industry captains.
Sinabi ni Valte na tiyak ding matatalakay ang ODA o Official Development Assistance ng Japan na pinakamalaking share kumpara sa ibang bansa.
By Judith Larino