Isa sa bawat 10 rehistradong botante sa buong bansa ay matatagpuan sa Metro Manila.
Ito ay kung pagbabatayan ang pinakahuling datos ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa ahensya, Quezon City ang syudad na may pinakamaraming rehistradong botante sa buong bansa sa bilang na 1.1 million voters.
Sinundan ito ng lungsod ng Maynila na mayroong 974,000 registered voters, Davao City na may 873,000 voters, Caloocan City na may 648,000 voters, Cebu City 630,000 voters, Antipolo City 442,000, Zamboanga City 412,000, Makati City 397,000 at Pasig City na mayroong 390,000 registered voters.
Sinundan ito ng Taguig City, Dasmariñas City sa Cavite, Valenzuela City, Muntinlupa City, Cagayan de Oro City, Las Piñas City, Parañaque City, Bacolod City, Calamba City sa Laguna, Iloilo City, Bacoor City, Pasay City, Marikina City, Mandaluyong City, Malabon City, Navotas City at San Juan City.
By Jonathan Andal (Patrol 31)