Nasabat ng Department of Agriculture ang 21 tonelada ng dressed chicken sa Cagayan de Oro at 1500 itlog mula naman sa Aklan.
Ayon kay agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang mga itlog ay galing umano sa Candaba, Pampanga at Batangas at nakumpiska sa Caticlan Port sa Aklan sa gitna na rin nang pagbabawal sa pag biyahe ng poultry products para mapigil ang avian influenza virus.
Tiniyak ni Piñol na mananagot ang mga sangkot sa pagpapalusot ng mga nasabing shipment.