Hinimok ni Department of Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya ang mga Local Government Units (LGU)’s na isama ang mga kulungan sa kanilang isinasagawang mas testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kani-kanilang nasasakupan.
Ayon kay Malaya, nararapat ding i-prayoridad ang mga inmates o preso na ikinukunsidera ring mga persons under investigation o suspected COVID-19 patients.
Sinabi ni Malaya, ito ay bilang tulong na rin sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na siyang nangangasiwa sa mga persons deprived of liberty (PDL)’s.
Ang nabanggit namang panawagan ni malaya ay kasunod ng ulat na siyam na PDL’s mula sa Quezon City Jail at siyam ding tauhan ng bjmp ang nagpositibo sa COVID-19.