Iminungkahi ni dating Bureau of Correction (BuCor) chief at ngayo’y Senador Ronald Bato Dela Rosa na isailalim na sa kapangyarihan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang lahat ng jail facilities sa buong bansa.
Sa kaniyang inihaing Senate Bill 1100, binigyang diin ni Dela Rosa ang layunin ng nasabing panukala na bigyan ng kaukulang proteksyon ang lahat ng bilanggo kahit pa sila’y may nagawang pagkakasala sa batas.
Naniniwala si Dela Rosa na mayruong mas malawak na karanasan ang mga taga-BJMP sa pagtrato sa mga bilanggo at tiyak aniyang hindi ito basta-basta magagamit ninuman sa loob ng piitan.
Sa kasalukuyan, tanging ang mga city, municipal at district jails lamang ang nasa pangangasiwa ng BJMP habang ang pamahalaang panlalawigan naman ang siyang nangangasiwa sa mga provincial at sub provincial jails sa buong bansa.