Aakalain mo ba na pati ang bawat hakbang ng mga Japanese ay may ambag sa kuryente?
Kilala at hinahangaan ang Japan dahil sa pagiging advanced nito sa teknolohiya pati na rin sa transportation vehicles.
Pero paano nga ba nakapag-contribute ang mga tao sa paggawa ng kuryente?
Tara alamin natin!
Ang Tokyo Metro ay isa sa dalawang subway operators ng Tokyo, Japan na araw-araw dinaragsa ng mga tao.
Pero hindi ito tipikal katulad ng karamihan dahil ang sahig nito ay gumagamit ng passive electric technology.
Dahil dito, ang footsteps ng mga tao ay nakatutulong sa pagpo-produce ng electrical energy sa istasyon at malalapit na lugar dahil ang bawat hakbang nila ay nako-convert sa kuryente.
Pati ang highways ay hi-tech na rin dahil sa piezoelectric materials na naglilikha rin ng kuryente sa pamamagitan ng vibrations mula sa mga dumaraang sasakyan.
Sa kasalukuyan, mas umiigting ang inobasyon ng Japan at patunay nito ang kanilang mga produkto at serbisyo na talaga nga namang kakaiba at epektibo
Ikaw? Anong masasabi mo sa nakabibilib na kawento na ito?