Ikinukunsidera ng gobyerno na gawing contact tracer ang mga driver ng pampasaherong jeep.
Ito’y matapos umapela ang grupo ng mga jeepney driver na payagan na silang makabalik sa pamamasada ngayong general community quarantine (GCQ) na sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naghahanap ng alternatibong hanap-buhay ang pamahalaan para sa mga jeepney driver na hindi pa makapaghanap-buhay ngayon at kabilang nga rito ang pagkuha sa kanila bilang contact tracer.
Ani Roque, kulang pa sa ngayon ang mga contact tracer na nakukuha ng gobyerno para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kaya sa ngayon, habang hindi pa pinapayagan makalabas ng kalsada ang mga jeep ay tinitingnan nila ang posibilidad na maidagdag bilang contact tracer ang mga jeepney driver.