Maaari nang magparehistro sa delivery app na Lalamove ang mga na-displaced na mga drayber ng mga jeepney sa Quezon City.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang lungsod ng QC, inihayag nito na pwede nang magparehistro ang mga nawalan o ‘di nakabyaheng mga drayber ng mga jeep dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ayon pa sa QC LGU, ilan sa mga requirements para mapabilang sa naturang programa ay ang mga sumusunod:
Dapat edad 21 taong gulang o higit pa, mayroong smartphone, may email address, may gcash account, at higit sa lahat, dapat malusog ang pangangatawan.
Maari na ring magparehistro online sa lalajeep-signupform.
Kasunod nito, matapos na magrehistro, magpapadala ng mensahe para sa schedule ng screening ang staff ng small business and cooperatives development promotions office ng Quezon City.