Tiniyak ng Malakanyang na makakatanggap ng ayuda ang mga jeepney drivers sa second tranche ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw nilang mangako subalit kapag may natira sa pondo ay posible pang makatanggap ng karagdagang ayuda ang mga jeepney drivers.
Plano rin anya ng Department of Transportation (DOTr) na kunin ang mga jeepney drivers para sa delivery service upang may mapagkakitaan.
Sinabi ni Roque na pinabibilisan na ang jeepney modernization upang magkaroon uli ng trabaho ang mga jeepney drivers.
Pag-aaralan kung may matitira para magkaroon sila ng additional tranche wala pong pangako yan pero titignan talaga natin kung meron matitira at mapupunta yan sa mga walang hanap buhay. At pangatlo, yung jeepney modernization ay siguro pabibilisan para yung mga mawawalan ng trabaho sa traditional jeepneys ay pupwedeng mag-shift sa mga modern jeepneys,” ani Roque.