Tinest-drive ng mga transport group na FEJODAP at Pasang-Masda ang modernong jeepney bilang bahagi ng P.U.V. Modernization program ng gobyerno.
Nagbigay ng libreng sakay ang mga naturang transport group sa mga pasahero mula SM North, Quezon City hanggang Monumento, Caloocan City.
Ayon kay Pasang-Masda President Ka Obet Martin, sa kanilang pagtatanong sa mga pasahero ay payag naman ang mga pasahero na itaas ang pasahe sa 10 Pesos mula sa kasalukuyang otso sa oras na bumiyahe ang mga modernong jeep simula Hunyo.
Ang bagong jeep na gawa sa China ay may kapasidad na 32 pasahero habang plano ng Pasang-Masda na umorder ng 500 unit.
Gayunman, umapela si Fejodap President Zenaida Maranan sa pamahalaan na huwag silang pahirapan sa pag-utang sa mga government bank para sa financing ng modern jeepney na nagkakahalaga ng 1.5 hanggang 1.6 Million Pesos.
Sa ilalim ng modernization program, gagamit na ng card sa pagbabayad sa pasahe, swelduhan ang driver at bubuo ang mga jeepney operator ng korporasyon na magpapatakbo ng mga