Pagbabawalan na ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang mga jeepney sa bahagi ng EDSA Guadalupe simula ngayong February 13.
Ito’y para makatulong na ibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa bahaging iyan ng EDSA araw-araw
Dahil dito, kailangang dumaan ng mga jeepney mula sa Magsaysay Street, kakanan patungong P.Burgos Street, kakaliwa sa Sgt. Yabut, lalabas ng Guadalupe Ilalim patungo sa kanilang destinasyon.
Dahil dito, nakakalat ang mga traffic enforcers ang MMDA sa EDSA upang sitahin ang mga pasaway na tsuper ng jeepney na magpupumilit lumabas sa EDSA.
Kasunod nito, mula 12:00 ng gabi hanggang 4:00 lamang ng umaga maaaring pumasok sa naturang mga kalsada ang delivery truck para sa mga establisyemento sa lugar.
By Jaymark Dagala