Unti-unti ng namamayagpag ang impluwensya at kapangyarihan ng Russia sa Middle East habang abala ang Estados Unidos sa pakikipag-bunong braso sa North Korea.
Sa pagkakataong ito ay iniisa-isa nang suyuin ng Russia ang mga kaalyado ng US sa Gitnang Silangan gaya ng Turkey, Iraq maging ang Libya bilang bahagi ng kanilang bagong foreign policy masterplan.
Ito’y makaraang bumisita ang mga Turkish, Iraqi at Libyan leader sa Moscow noong mga nakalipas na buwan upang pagtibayin ang kanilang ugnayan sa Russia.
Lalo namang tumibay ang relasyon ng Russia, Syria at Iran dahil sa pagtulong ng Russian forces sa kampanya ng Syrian government laban sa Islamic State.
Samantala, pagtitibayin pa ng Russia at Iran ang kanilang arms deal at military ties matapos patawan ng sanctions ng Amerika.
By Drew Nacino