Nag-uusap-usap ang mga kaalyado ng Pangulong Benigno Aquino III sa mababang kapulungan sa Kongreso para suportahan ang kandidatura bilang Pangulo ni Senador Grace Poe.
Ayon kay Deputy Speaker Roberto Puno, Pangulo ng National Unity Party o NUP, ilang beses na rin silang nakipagpulong sa Nationalist People’s Coalition o NPC, sa Nacionalista Party o NP at sa Makabayan Bloc ng Kongreso.
Gayunman, nilinaw ni Puno na wala pang pasya ang NUP kung ibibigay nila ang kanilang commitment na suportahan si Poe sa 2016 elections.
Samantala, sa September 30 naman umano magpapasya ang Makabayan Bloc kung sino ang susuportahan nilang Presidential at Vice Presidential candidate sa 2016.
By Len Aguirre