Dismayado ang mga kaalyadong Senador ni Senador Leila de Lima kaugnay sa pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ng nito.
Kaugnay ito sa pag kuwestyon ni De Lima sa hurisdiksyon ng Muntinlupa para humawak ng mga kaso laban sa kaniya.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros tuloy ang paglaban nila para sa paglaya ni De Lima na nakulong base sa mga peke at walang batayang kaso.
Nanawagan si Hontiveros sa publiko na nagmamahal sa demokrasya at karapatang pantao na patuloy na suportahan si De Lima at ikampanya ang katotohanan at katarungan.
Sinabi naman ni Senador Bam Aquino na patuloy silang umaasang papayagan ng high tribunal na magampanan ni De Lima ang kaniyang tungkulin bilang hala na Senador kahit nakakulong ito.
Binigyang diin ni Senador Antonio Trillanes na naging lehitimo na ang political persecution at injustice kay De Lima.
Sa pananaw naman ni Senador Franklin Drilon may tsansa pang mabaligtad ang desisyon ng high tribunal kapag masusing ikinunsider ng mga mahistrado ang isusumiteng motion for reconsideration ni De Lima.