Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng dalawang Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi matapos masagasaan ng kotse sa Singapore.
Ayon kay ginang Lilia Somera, ina ni Abigail Leste isa sa mga nasawi sa Singapore, napakasakit nang nangyari sa kaniyang anak kaya’t dapat na managot ang responsable sa insidente.
Hiling din ng pamilya na agad na maiuwi ng bansa ang labi ni Abigail.
Hustisya rin ang nais ng pamilya ni Arlyn Nucos.
Ayon kay ginoong Reynaldo Nucos, kapatid ng biktima hindi nila inaasahan ganito ang mangyayari kay Arlyn.
Aniya hindi nakapag-asawa ang kaniyang kapatid at ninais na lamang tumulong sa pag-aaral ng anim na pamangkin.
Dumating naman na sa bansa ang labi ni Arlyn.