Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kabilang sa mga tuturukan ng booster shots ang mga kaanak o kasama sa bahay ng health workers.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa emergency use authorization, para lamang sa healthcare workers, senior citizens, at mga indibidwal na may comorbidities ang pagtuturok nito.
Aniya, prayoridad sa ngayon ang tatlong priority groups.
Nitong Miyerkules nang simulan ang pagtuturok ng booster shots sa mga bakunadong health workers. —sa panulat ni Hya Ludivico