Itinanggi ng mga kaanak ni Marilou Danley, ang partner ng suspek sa malagim na Las Vegas shooting sa Amerika na sangkot o may kinalaman sila sa krimen.
Aminado si alyas Sally, apektado na ang kanilang pamilya sa Cavite dahil sa naturang insidente.
Ayon kay Sally, hindi nila alam kung ano ang plano sa buhay ni Danley lalo ng kinakasama nitong si Stephen Paddock na suspek sa pamamaril sa halos 60 katao, noong isang linggo.
Nanawagan naman ang mga kaanak ni Marilou sa publiko na itigil na ang paghihinalang may kinalaman sila sa krimen.
Una na ring itinanggi ni Danley na may kinalaman siya sa planong pamamaril ng kanyang kinakasama.
—-