Nagtakda na ng countdown ang mga kaanak ni Miss Universe 2015 Angela Pia Alonzo-Wurtzbach sa pagbalik nito ng Pilipinas.
Si Wurtzbach ay mananatili ng halos isang linggo sa bansa mula sa pagdating nito sa January 23.
Ayon kay Olivia Alonzo-Pendang, luluwas siya ng Maynila para personal na makita ang kanyang pamangkin.
Sabik na aniya siyang makita si Wurtzbach na inaasahang mainit na sasalubungin ng kanilang mga kababayan.
Sinabi ng tiyahin ni Wurtzbach na hangad niyang patuloy na magkaroon ng malusog na pangangatawan sa gitna nang kanyang trabaho bilang Miss Universe.
By Judith Larino