Pinatawan din ng sanctions ng US ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ni Russian President Vladimir Putin.
Kasunod ito ng pagkakabunyag sa bagong karahasan sa Ukraine na sinasabing kagagawan umano ng Russian Military Forces.
Bukod pa dito, maging ang pamilya ni Foreign Minister Sergei Lavrov at ilan pang major banks ay pinatawan din ng sanctions.
Nabatid na nagkaroon ng pinsala ang kalsada sa bayan ng Bucha, Ukraine na malapit lamang sa capital city na Kyiv kung saan, Russian troops ang itinuturong responsable sa kaguluhan pero nanindigan ang Russia na gawa-gawa lamang ng mga opisyal sa Kyiv ang alegasyon ng mga karahasan sa nabanggit na lugar. - sa panulat ni Angelica Doctolero