Hinihikayat ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga kababaihan na kumandidato bilang opisyal sa kanilang barangay.
Ito’y kasunod na rin ng nalalapit na paghahain ng certificate of candidacy sa Abril 14 para sa gaganaping barangay at sangguniang kabataan elections sa Mayo 14.
Ayon kay DILG officer in charge Eduardo Año, nakapanghihinayang ang mga katangian ng mga kababaihan na hindi nagagamit para maglingkod sa kanilang barangay.
Sinabi ni Año na ilan sa hinanahap ng mga botante sa isang kandidato ay ang pagiging matino, mahusay at maaasahan na nasa karamihan ng mga kababaihan.
Batay aniya sa datos ng Commission on Elections, isa lang ang babae sa bawat limang kumakandidato sa tuwing may halalan sa bansa.