Daan-daang kababaihan ang naglunsad ng kilos protesta sa Argentina.
Ito ay bilang protesta sa pagpapaalis ng isang pulis sa isang ina na nagpapa-breastfeed ng kanyang 9 na buwang gulang na sanggol sa Buenos Aires Square noong nakaraang linggo.
Tinatayang 500 ina ang nagpasuso ng kanilang anak sa publiko bilang protesta.
Isinagawa rin ang kahalintulad na demonstrasyon sa iba pang siyudad sa Argentina tulad ng Mar Del Plara, Tucuman at Neuquen.
By: Meann Tanbio