Bawal na ring magtungo sa mga amusement parks ang mga kababaihan sa Afghanistan.
Ito ay matapos lalong maghigpit ng panuntunan ang Taliban na nagbalik sa kapangyarihan noong Agosto 2021.
Ang tagapagsalita mismo ng ministry for the Propagation of Virtue and Prevention of Vice ng Afghanistan ang nagkumpirma ng batas.
Maliban sa mga amusement parks, sakop din ng direktiba ang mga open spaces at pampublikong paliguan.