Ipinag-utos ng Taliban na maaari nang mag-aral ang mga kababaihan sa mga unibersidad sa Afghanistan.
Gayunman, ayon kay Higher Education Minister Abdul Baqi Haqqani, dapat hiwalay ang silid-aralan ng mga babae sa mga lalaki at nakasuot ng head coverings ang mga ito.
Sa kasalukuyan, pawang mga lalaki ang nagpapatakbo sa Afghan government.
Samantala, bawal namang sa sports ang mga babae habang ginagamitan ng dahas ang mga napoprotestang katulad nila na nagsusulong ng pantay-pantay na karapatan para sa bawat mamamayan.