Hindi mabibilang at matatawaran ang mga naging kontribusyon sa lipunan ng kababaihang Pilipina, mula sa panahon ng Kastila hanggang sa muling maibalik ang demokrasysa sa Republika. Dito tumatalima ang mga katagang “Sa bawat tagumpay ng isang lalake ay may isang babae na nasa likod nito” (in every man’s success there is a woman). Sa panahon na naging dominante ang pamamayagpag ng mga kalalakihan, sumasabay din ang Pilipina maging saan mang aspeto, maging ito man ay para sa kalusugan, edukasyon, siyensya, politika, medesina, at demokrasya. Naging simbolo rin ang Pilipina ng katapangan at pagmamahal para sa inang bayan, paulit-ulit itong nasusulat sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas.
Narito ang ilan sa mga natatanging Pilipina na nag-ambag ng napakalaking kontribusyon upang kilalanin ang babaeng Pilipino hindi lamang sa sariling bansa kundi maging sa buong mundo.
1. GABRIELA SILANG – Ipinanganak nong Marso 19, 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur. ang unang Pilipinang namuno sa paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Ikinasal sa murang edad dahil sa kagustuhan lamang ng ama, na kalaunan ay napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda.
Makalipas ang ilang taon ay muling nag asawa, sa kilalang pigura ng himagsikang Pilipino na si Diego Silang. Lumaban si Diego Silang sa mga Kastila at nakilala sa pagpapalaya sa bayan ng Vigan sa lalawigan ng Ilocos. Ang mag asawang Diego at Gabriela Silang ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.
Ipinagpatuloy ni Gabriela ang maagang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang, ngunit sa hindi inaasahan, ang kanyang puwersa ay nawalan ng laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan interes ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763.
Si Gabriela Silang ay dinakip at binitay noong Setyembre 20, 1763. Bilang pagkilala ng mga kababaihan kay Gabriela Silang, ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na GABRIELA.
2. MELCHORA “TANDANG SORA” AQUINO – Ipinanganak nong Enero 6, 1812 sa Banilad, Caloocan. Tinagurian siyang “Tandang Sora”, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.
Ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang Cabeza de Barrio at may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.
Taong 1896, sumiklab ang kalupitan ng mga dayuhang Kastila sa mga Pilipino, isa na rito ang pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Marami ang dinakip, pinahirapan, kinulong at pinatay. Dahil dito, tumakas ang karamihan sa kagubatan at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Melchora Aquino ay kanyang tinanggap, bata man o matanda, babae o lalaki.
Nalaman ng mga kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga Katipunero kaya’t siya ay dinakip at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Matapos ang digmaang Kastila-Amerikano, bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora. Matandang-matanda na at walang naiwang ari-arian. Nabuhay siyang dukha at namatay sa kahirapan noong Marso 2, 1919 sa edad na 107 sa tahanan ng kanyang anak na si Saturnina, unang inihatid ang kanyang mga labi sa Cementerio del Norte, sa Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion.
Bilang pagkilala sa kabayanihan ni Melchora “Tandang Sora” Aquino, Taong 2012, Bilang pag gunita sa kanyang ika-200 kaarawan, ang pamahalaang lungsod ng Quezon ay nagpasya na ilipit ang kanyang mga labi mula sa Himlayang Pilipino Memorial Park patungo sa Tandang Sora National Shrine sa Banlat, Quezon City. Gayundin idineklara ng lungsod na ang taong 2012 ay tawaging Taon ni Tandang Sora.
3. MARCELA AGONCILLO - Ipinangak noong Hunyo 24, 1859 sa bayan ng Taal, Batangas. Nakilala si Marcela Agoncillo bilang ina ng Pambansang Watawat ng Pilipinas.
Si Marcela Coronel Mariño ay anak ninaDon Francisco Diokno Mariño at Doña Eugenia Coronel Mariño, isang kilala at may-kayang pamily sa bayan ng Taal, Batangas. Bilang anak ng kilalang angkan, tinawag si Marcela bilang” Roselang Bubog” na may kahulugan na “a virgin enthroned in the town church”. Dahil sa angking kagandahan at karangyaan, may mga ulat na inaabangan si Marcela ng mga taong bayan tuwing ito ay magsisimba sa umaga kasama ang kanyang mga kamag anak.
Nagtapos sa Santa Catalina College at sa edad na 30, ikinasal kay Felipe Encarnacion Agoncillo at binayayaan ng anim na supling. Noong sumiklab ang Philippine Revolution, sinamahan niya ang kanyang asawang si Felipe at namuhaysa ibang bansa, sa Hong Kong. Habang nasa Hong Kong, pinakiusapan ni General Emilio Aguinaldo si Marcela na maglikha at magtahi ng isang watawat na magsisimbolo ng bansang Pilipinas. Kasama ang kanyang panganay na anak na si Lorenza at kaibigang si Delfina Herbosa y Natividad, kanilang mano manong nilikha at sinulsi ang nasabing watawat na hiniling ni General Emilio Aguinaldo gamit ang kamay at isang makina.
May 17, 1898, ang nilikhang bandila ay personal na inabot ni Marcela at isinama sa mga bagahe ni Presidente Emilio Aguinaldo pabalik ng Maynila. Sa unang pagkakataon ay winagayway ang pambansang bandila sa balkonahe ng bahay ni Presidente Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit Cavite bilang simbolo ng pagka Independiente ng Republika ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng pambasang awit ng Pilipinas na nilikha ni Ginoong Julian Felipe, isang Filipino music teacher at composer mula sa Cavite.
Tahimik na namayapa si Marcela Agoncillo noong Mayo 30, 1946 sa Taal, Batangas sa edad na 86. Ang kanyang mga labi ay inilapat sa Catholic Cemetery sa La Loma batay na rin sa kahilingin ni Marcela na maitabi ang kanyang labi sa puntod ng kanyang asawa.
4. Honoria Acosta-Sison – Ipinanganak noong Desyembre 30, 1880. Salungat sa kagustuhan at payo ng kanyang mga magulang at kaibigan, nag apply at nakuhang scholar si Honoria Acosta-Sison para mag aral ng kursong medisina sa bansang Estados Unidos noong 1904.
Sa mundo ng medisina na karamihan ay mga kalalakihan noong panahong iyon, si Honoria ay nagpakadalubhasa sa larangan ng obstetrics and gynecology na kung saan ay kalimitan iniiwasan ng mga kababaihan na magpakonsulta sa mga doktor na lalake.
Nagsilbi si Honoria bilang isang obstetrics’ assistant sa Saint Paul’s Hospital at kalaunan ay nagturo ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas, kolehiyo ng medisina taong 1912. Nakapag limbag ng 103 libro hinggil sa siyensya at nagpakilala ng method na low caesarian section na pangangak sa bansa.
Si Honoria ay tinaguriang unang Pilipinang Doktor na binigyang parangal ng iba’t ibang institusyon at pagkilala kasama na ang Presidential Medal for Medical Research.
5. Elisa Rosales-Ochoa – Isilang noong Desyembre 3, 1897 sa lalawigan noon ng Butuan na ngayong pinangalanang Agusan, anak ninaCanuto Rosales and Ramona Villanueva.
Naging isang lesensiyadong nurse noong taong 1915 matapos kumpletuhin ang kanyang pag aaral sa Philippine General Hospital. Ikinasal kay Enrique Ochoa, isa ring kilalang manggagamot sa larangan ng medesina.
Naging aktibo si Elisa sa pagbibigay ng atensyong medikal sa mga sugatang Filipino at Amerikano noong panahon ng ikalawang digmaan pandaigdig.
Bago sumiklab ang ikalawang digmaan, kumandidato si Ginang Ochoa bilang kinatawan ng lalawigan ng Agusan noong taong 1941 at nanalo, dito ay nakuha niya ang titulong kauna unang babaeng Kongresista sa Pilipinas. Pansamantalang natigil ang kanyang panunugkulan dahil sa Japanese Occupation sa Pilipinas. Taong 1943, matapos ang pananakop ng mga Hapon, sa panunumbalik ng gobyernong Commonwealth sa pamumuno ni dating Presidente Sergio Osmeña, muling naibalik sa pwesto si Ginang Ochoa bagamat hindi siya napabilang na nihalal sa unang kongeso ng Pilipinas, nanatili pa ring aktibo si Ginang Ochoa bilang Presidential Technical Assistant on Health kina Presidente Ramon Magsaysay and Carlos P. Garcia.
Pumanaw si Ginang Elisa Rosales-Ochoa noong Septyembre 20, 1978, sa edad na 80. Nakahimlay ang kanyang mga labi sa Butuan City.
6. Geronima Tomelden-Pecson – Ipinanganak noong Desyembre 19, 1895 Barrio Libsong, Lingayen, Pangasinan. Ang kauna unahang babaeng Senador sa Republika ng Pilipinas. Pangalawang anak nina Victor Tomelden and Pacita Palisoc.
Tumakbo at nanalo bilang Senadora noong 1947, pinangunahan ang komite sa edukasyon at kalusugan. Bago naging Senadora, si Ginang Pecson ay isang guro at isaang social worker, naging pribidaong secretary ni dating Presidente Jose Laurel at naging executive secretary ni dating Pangulong Manuel Roxas.
Binansagang “Super Social Worker”, naging aktibo sa pagkilala sa batas hinggil sa edukasyon lalong lalo na sa Free and Compulsory Education Act at Vocational Education Act. Naging kauna unahang miyembro ng UNESCO executive board noong taong 1950.
Sa kanyang pagbaba sa pwesto sa Senado noong taong 1953, pinarangalan si dating Senadora Pecson ng iba’t ibang institusyon at unibersidad bilang pagiging miyembro ng UNESCO board. Taong 1955 itinatag ni Ginang Pecson ang Foundation of Youth Development of the Philippines na kung saan siya ang naging administrator nito hanggang sa kanyang pagpanaw noong taong 1989.
7. Natividad Almeda-Lopez – Isinilang noong Setyembre 8, 1892 sa lungsod ng Maynila. Naging abogado noong taong 1914 na kung saan kinokonsidera na ang propesyon ng abogasya ay domenante ng mga kalalakihan.
Naging aktibo sa pamamahayag para sa mga kababaihan noong taong 1918. Sa kabila ng pagiging dominante sa bilang ng mga kalalakihang abogado, si Ginang Lopez ang naging kauna unahang babaeng hukom sa bansa noong 1934 sa lungsod ng Maynila, nanatili si Judge Lopez sa pagiging hukom hanggang sampung taon.
Nakatangap ng maraming parangal kasama ang 2 Presidential Medals of Merits at Presidential Award sa pagkilala sa kanyang naging ambag sa pagtatangol ng karapatan ng mga kababaihan sa lipunan.
8. Josefa Llanes Escoda – Ipinanganak noong Setyembre 20, 1898 isang kilalang Pilipinang tagapagtaguyod ng mga karapatang pangkababaihan sa Pilipinas at tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines.
Noong World War II, nilusob ng mga Hapones ang Pilipinas. Hinuli ang asawa ni Escoda noong Hunyo 1944, inaresto rin si Ginang Escoda pagkaraan ng dalawang buwan, noong Agosto 27. Ibinilanggo sila sa Fort Santiago, sa kulungang pinagkabilangguan din ng kanyang asawang si Koronel Antonio Escoda, na sumailalim sa parusang kamatayan noong 1944.
Huling nakita si Josefa Escoda noong Enero 6, 1945. Matapos noon ay kinuha siya at ikinulong sa isa sa mga gusali ng Far Eastern University’ na ginagamit ng mga sundalong Hapones. Pinaniniwalaang pinarusahan siya ng kamatayan ng mga Hapones at inilibing sa isang walang tandang libingan sa loob ng Libingan ng La Loma, na kung saan ginamit ng mga Hapones bilang isang libingan para sa libu-libong mga Pilipinong lumalaban sa pananatili ng mga Hapones sa Pilipinas.
9. Fe Del Mundo – Ipinanganak noong Nobyembre 27, 1911. Nakilala sa larangan ng medisina at kauna unahang estudyanteng babae na natangap sa Harvard Medical School. Nanguna sa pangangalaga ng kalusugan ng mga bata at nagsimula ng Ospital na Pambata sa Pilipinas o tinatawag na ngayong Children’s Medical Center of the Philippines. Siya ay pinangarangalang Pambansang Siyentipiko noong 1980.
Dahil sa angking talino ni Ginang Del Mundo, binigyan siya ni Pangulo Manuel L. Quezon ng isang scholarship sa alinmang unibersidad sa Estados Unidos. Limang taon siyang nagpakadalubhasa sa Pediatrics sa Harvard University. Tinapos niya ang kursong Master of Arts in Bacteriology sa Boston University.
Kasabay ng Ikalawang Digmaang pandaigdig, nagboluntaryo si Dr. Del Mundo sa International Red Cross sa Unibersidad ng Santo Tomas. Bilang pangunahing manggagamot ng mga bata, ipinagmamalaki ni Dr. Del Mundo ang kanyang mga pananaliksik sa mga sakit na tulad ng polio, rubella at varicella. Ang mga pag aaral na ito ang nagsilbing basehan sa paggamit ng mga bakuna sa buong bansa.
May isang kaso na inakalang tipus o typhoid fever ang kumalat na epidemya noong 1954. Dahil sa pagtitiyaga at pananaliksik ni Dr. Del Mundo, ito ay nadiskubre na isa palang dengue. Ito ang unang pagkakataong nakilala at naitalaga ang sakit na dengue sa Pilipinas. Si Dr. Del Mudo ang Pinay doctor na nakaimbento ng medical incubator na para sa mga pre mature na sanggol.
Pinangunahan din ni Dr. Del Mundo ang pagkakaroon ng mga botika sa barangay at mga sentrong pangangalaga para sa mga ina at bata na lubos na pinapakinabangan ngayon.
10. Carmen Planas – Isinilang noong Marso 23, 1914 – Ipinanganak noong Marso 23, 1914 sa Tondo Maynila. Tinaguriang kauna unahang babaeng konsehal sa isang lungsod. Isang UP Law student, naging kandidato ng Young Philippines, isang minority political party noong taong 1934 noong eleksyon para sa Manila Municipal Board, na kung saan nanguna si Ginang Planas sa ibang mga beteranonf kandidato.
Tinawag na Manila’s Darling at kinilala sa galing sa pakikipagdebate. Kanyang pinangunahan ang komite ng pangkalusugan, edukasyon and social welfare sa konseho, si Ginang Planas din ang naging instrument sa pagkakaroon ng mga day nurseries, health centers, murang pabahay at periodic medical assistance para sa mga mahihirap na mamamayan ng lungsod.
Matapos ang kanyang termino bilang kauna unahang babaeng konsehal, nagpatuloy ang buhay politikal ni Ginang Planas, lumahok sa mga international conferences ng mga abogado bilang kinatawan ng bansa. Naging kinatawan din bilang Red Cross Governor at nirepresenta ang bansa sa Red Cross International Convention of Governors.
11. Whang-Od – Isinilang noong Pebrero 17, 1917 mula sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga. Si Maria Oggay o kilala bilang Whang-Od ang tinuturing huling natitirang mambabatok o tradisyunal na tattoo artist sa Pilipinas. Kabilang din si Whang-Od sa tribong Butbut, isang katutubong tribo sa lalawigan ng Kalinga.
Mula sa edad na 15 ay natuto nang mag tattoo si Whang-Od, tradisyunal na ginagawa ang paglalagay ng tattoo sa mga tribo ng mga mangangaso at mandirigman sa kanilang lugar. Bagama’t nawala na ang panganib sa kanilang hanay, patuloy pa rin si Whang -Od sa traditional na paraan na pambabatok na patuloy na dinarayo ng mga lokal at banyagang turista sa Buscalan.
Nagkaroon ng mga panukalang isama sa listahan ng mga National Artist of the Philippines si Maria Oggay bilang natitirang mambabatok sa kanyang henerasyon. Ang kanyang nominasyon bilang National Living Treasure ng Gawad Manlilikha ng Bayan sa Tagalog ay opisyal na tinanggap ng National Commission for Culture and Arts noong Oktubre 21, 2017 at dadaan sa masusing deliberasyon ng panel.
Bukod sa pambabatok, isang respetadong nakakatanda si Whang-Od sa kanilang lugar, madalas ay makikitang nagpapatogtog ng kanyang kalaleng o tinatawag na nose flute sa panahon na siya ay nagpapahinga. Batay sa mga iba pang datos, si Whang-Od ay nagdiwang kanyang ika-100 kaarawan noong Febrero 17 na kung saan ibinigay sa kanya ng national government ang benepisyo ng Centennial Act of 2016 o Republic Act 10868.
12. Corazon Aquino – Ipinanganak noong Enero 25, 1933. Si Maria Corazon “Cory” Cojuangco Aquino o kilala bilang dating Presidente Cory Aquino ay isang Filipina painter at kalaunan ay nabilang sa imahe sa usaping politikal ng bansa. Nagsilbi bilang ika-11 Presidente ng Republika ng Pilipinas at kauna unahang babaeng Pangulo na nanilbihan sa bansa. Binigyang kredito bilang ina ng Demokrasya sa Asya, kauna unahan ding babaeng Presidente sa buong Asya, ang pinaka matatag na pigura ng 1986 People Power Revolution na nagtapos sa 21 taong authoritarian rule ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos and sinasabing nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Na isulat din ng prestihiyong pahayan na Times Magazine bilang Woman of the Year noong taong 1986. KInilala rin bilang leader sa isang matahimik at matagumpay na mapayapang rebolusyon para sa panunumalik sa demokrasya mula sa isang diktador sa rehimen.
Si Ginang Aquino ay isang simpleng may batay ng pinaslang na Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ang numero unong kritiko ng mga Marcoses noong panahon ng Martial law sa bansa. Noong nag-exile sa Estados Unidos si Ninoy Aquino, sumama si Ginang Aquino at kanilang mga anak. Taong 1985 nagpasya si Senator Ninoy Aquino na bumalik sa bansa upang harapin sa legal na paraan ang dating Presidente Marcos. Sa kasamaang palad pinatay si Ginoong Aquino sa Manila International Airport sa pagbaba nito sa sinasakyang eroplano. Dahil sa kaguluhang naganap, nagpatawag ng isang snap election si dating Presidente Marcos, kumandidato rin sa nasabing snap election ang maybahay ni Senator Ninoy Aquino na kilala lamang bilang Cory Aquino katuwang si Salvador Laurel bilang Bise-Presidente. Iprinoklama ng Batasang Pambansa na muling nanalo si Presidente Marcos at kanyang Bise-Presidente Arturo Tolentino. Dito lumabas ang mga ulat ng malawakang dayaan, walk out ng mga election officers at nanawagan si Ginang Aquino ng isang malawakang aksyon sa hindi pagsunod sa mga ipinag uutos ng pamahalaan. Maging ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at Simbahang Katolika ay sumuporta kay Ginang Aquino.
Dahil sa kawalan ng panig ng sandatahang lakas ng Pilipinas kay Pangulong Marcos, umalis sa bansa ang Pamilya Marcos at tumungo sa Hawaii, USA na kung saan iprinoklama si Corazon Cory Aquino bilang ika-11 Presidente ng Republika.
Sa kanyang panunungkulan, naharap si dating Presidente Cory Aquino sa paulit ulit na coup de etat na pinamunuan ng mga dating sundalong tumulong sa kanyang maupo sa pwesto. Lahat ng ito ay kanyang nalagpasan hanggang sa pagtapos ng kanyang termino noong taong 1992. Bumalik sa pribadong buhay at bilang pagkilala sa kanyang naiambag sa bansa, pinarangal si Ginang Aquino ng prestihiyosong Ramon Magsaysay Award, ang maituturing na Nobel Prize ng Asya noong taong 1998.
Taong 2008, na diagnose si Ginang Aquino na may Colerectal Cancer, Agosta 1, 2009 tuluyan nang binawian na ng buhay ang dating Pangulong Cory Aquino ang tinaguriang Ina sa panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas at sa Asya.
Photo Credits: Google Image, Pinoy imbentor website, Fe del mundo.com, Twitter, time mag, wikipedia and apriljoytorio.wordpress.com