Nakiisa ang mga kababaihang pulis sa pagdiriwang ng women’s month sa camp crame kaninang umaga.
Nagsagawa ang mga ito ng “pulis-tekniks” sa pangunguna ng NCRPO o National Capital Region Police Office Fitness Team kasama ang isanlibong (1,000) mga pulis, iba pang mga empleyado ng pambansang pulisya, mga opisyal at mga non-uniformed personnel.
Dalawang beses sa isang linggo isinasagawa ang nabanggit na aktibidad sa kampo na parte ng kanilang physical fitness program ngunit mas espesyal ang araw na ito dahil tanging mga kababaihan lamang ang nakilahok sa aktibidad.
Ayon kay Chief Insp. Rowena Lambojo, hepe ng Women and Children Protection Desk, layon nitong ipakita ang pagkakaisa ng mga kababaihan.
Hangad din ng aktibidad na mapanatiling maayos ang kalusugan ng mga babaeng pulis.
Samantala, mamayang hapon naman ay magkakaroon pa ng iba’t ibang programa para sa mga kababaihan kagaya ng HIV awareness program, stress management at libreng OB-Gyne at breast consultation.