Isinailalim muna ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process sa workshop ang mga ahensya ng pamahalaan at civil society group na bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi City bago ang pagtatayo ng mga gusali at imprastruktura.
Ito’y upang ipabatid sa kanila ang masalimuot na problemang pinagmulan ng halos limang buwang krisis.
Ayon kay O.P.A.P.P. Undersecretary Diosita Andot, makatutulong ang workshop para sa ilalatag na mga programa sa pagbangon ng Marawi at masimulan ang paghilom ng sugat na nilikha ng digmaan.
Mahalaga anyang malaman ng mga government agency na bahagi ng Task Force Bangon Marawi at civil society group na kabilang sa pagpapatupad ng mga proyekto ang pinag-ugatan ng krisis.
Ang OPAPP ang itinalagang pangunahing ahensya sa social healing and peacebuilding na bahagi ng sub- committee on peace and order ng Task Force Bangon Marawi.