Aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Cabuyao, Laguna matapos na gibain ang mga ito ng Philippine National Railway (PNR).
Nabatid na ang naturang mga bahay ay nakatayo sa bahagi ng pag-aari ng PNR at kinakailangang alisin ang mga ito para bigyang-daan ang bagong itatayong train station.
Ayon naman kay Erwin Boot, executive assistant ng Office of the Mayor, 2018 pa nang bigyan ng memorandum ang naturang mga residente para ipaalam sa kanila ang plano ng PNR at ito ay kanilang mapaghandaan.
Inabisuhan din umano sila na sila ay mabibigyan ng akomodasyon –nasa 112 pamilya umano ang kabilang sa mabibigyan ng matutuluyan.