Hinimok ni Cecille Guidote-Alvarez, Founder ng Philippine Educational Theater Association o PETA ang kabataan na alalahanin ang pinagdaanan ng Pilipinas noong panahon ng Martial Law.
Ito ay kaugnay ng papalapit na anibersaryo ng deklerasyon ng batas militar, sa ika-21 ng Setyembre.
Ayon kay Alvarez, malagim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang Martial Law at hindi basta-basta ang hirap na pinagdaanan ng mga Pilipino upang maibalik ang kalayaan sa bansa.
“Nakakatakot na makakalimutan ng mga kabataan, o hindi alam ng kabataan ang katungkulan nila ngayon na alagaan ang demokrasya natin, Sana pag-iisipan ng mga kabataan na kahit papano ay maalagaan ang ating kalayaan na pamana ng ating mga bayani at lahat ng nakipaglaban para maibalik ‘yan.” Pahayag ni Alvarez.
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc