Maraming kabataan ang inaabot ng dalawang (2) taon bago makakuha ng permanenteng trabaho matapos maka-graduate sa kolehiyo.
Ayon kay Kelly Bird ng Asian Development Bank, nakakaalarma ang school-to-work transition ng mga edad kinse (15) hanggang trenta (30) sa bansa kaya’t umaabot sa isang (1) milyon ang bilang ng mga walang trabahong kabataan sa buong bansa.
Sa pag-aaral, lumilitaw na ilan sa mga dahilan ay ang kakulangan sa technical at life skills kung saan mas matagal makahanap ng trabaho ang mga high school graduate na umaabot ng hanggang apat na taon.
Sinasabing kaya mas nahihirapang makakuha ng trabaho ang mga high school ang tinapos dahil sa kakulangan sa life skills tulad ng tamang pakikipag-usap, pananamit, hygiene, at kahit simpleng pagsusulat ng resume.
Isinusulong naman ng Labor Department ang pagpapalawig ng kanilang job-start program kasama rito ang sampung (10) araw na life skills training.
By Jelbert Perdez