Kinalampag ng mga kabataan ang Department of Justice bilang pagkundena sa anila’y serye ng patayan sa Mindanao.
Bitbit ang kanilang placards at pito o silbato, ay nag-programa ang mga miyembro ng Kalinawan Youth Network o K.Y.N. kasama ang mga estudyante ng University of the Philippines sa harap ng gate ng DOJ.
Binatikos ng grupo ang sunud-sunod na patayan sa Mindanao na isinisisi sa mga miyembro ng 75th Infantry Batallion ng Philippine Army maging ang nagpapatuloy na implementasyon ng martial law.
Noon lamang Enero a-bente dos, napatay ang 55 anyos na si Aniceto Lopez Junior, Secretary-General ng grupong Kahugpungan sa mga Mag-Uuma o Kasama sa Bukidnon habang noong a-bente ay natapay din ang 33 anyos na si James Flores mula sa grupong Pamulad ng Davao na binaril sa Tagum City, Davao del Norte.
Samantala, nagbanta ang grupo ng mas malaking pagkilos sa Pebrero a-uno at a-bente tres bilang bahagi ng National days of Action laban sa tyranny at diktadurya.