Mahalagang papel ng mga kabataan sa paglaban sa climate change.
Ito ayon sa WWF o World Wide Fund ang magiging sentro nang idaraos Na earth Hour mamayang alas 8:30 hanggang alas 9:30 ng gabi.
Binigyang diin ng WWF na ang mga kabataan ang magsisilbing climate leaders sa hinaharap.
Sinabi ni WWF Philippines President at Chief Executive Officer Joel Palma na iikot ang temang “shining a light on climate action” sa Earth Hour hinggil sa pagiging susi ng mga kabataan para maibigay sa bansa ang pagiging climate resilient.
By: Judith Larino