Nagpamudmod ng Valentine cards ang Unchain Children o Unity of Child Rights Advocate Against Inhumane Treatment and Neglect of Children sa bahagi ng Bonifacio Shrine malapit sa Manila City Hall kaninang umaga.
Nakasaad sa mga ipinamahaging Valentine card na magbahagi ng pagmamahal at pag-aaruga sa mga kabataan partikular ang pagtutol sa pagpapababa ng edad ng criminal responsibility.
Nakasulatan din sa mga naturang Valentine card ang kahilingan sa pamahalan na ituloy ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front.
Ang Unchain Children ay umbrella organization na binubuo ng iba’t ibang civil society group, mga opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas at indibidwal na nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga kabataan.
By Meann Tanbio | Report from Aya Yupangco (Patrol 5)