Binato ng bote ng mga kabataan ang mga miyembro ng Quezon City Task Force Disiplina matapos silang sitahin dahil sa paglalaro ng volleyball sa NIA Road sa kabila ng curfew sa lungsod.
Bukod sa paglabag sa curfew, wala ring face mask ang ilan sa mga kabataan habang ang iba naman ay mali ang pagkakasuot, samantalang halos 20 kabataan ay walang physical distancing.
Nakita rin sa video ang pagtatago sa eskinita ng mga kabataan sa tuwing may dadaang police mobile.
Sinabi ng task force na dalawang beses na silang nakararanas ng pambabato sa buwang ito tuwing reresponde sila sa lugar.