Umaapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang grupo ng mga kabataan na nagpaplanong magtungo muli at tumira ng isang buwan sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nagmumungkahi ang AFP sa Kalayaan Atin Ito Movement ng iba pang paraan para isulong ang kanilang advocacy.
Sinabi ni Coloma na patuloy ang pakikipag-usap ng AFP sa grupo na pinangungunahan ni dating Marine Captain Nicanor Faeldon para mabatid ng mga ito lalo na ang mga panganib kaakibat ng nasabing biyahe.
By Judith Larino