Iginiit ng World Organization Against Torture (OMCT) at Children’s Legal Rights and Development Center na imbestigahan ng UN Human Rights Council ang pagkakapatay ng mahigit sa 100 bata sa giyera kontra droga ng Duterte administration sa nagdaang apat na taon.
Ayon kay OMCT Secretary General Gerald Staberock, humihingi sila ng investigative mandate sa Human Rights Council ng UN para mangolekta ng ebidensya at tiyaking may mananagot sa pagkamatay ng may 129 na bata na kanilang nadokumento.
Batay aniya sa nakalap nilang datos, mahigit sa 38% ng nadokumentong child killings ang kagagawan ‘di umano ng mga pulis samantalang mahigit sa 61% ang kagagawan ng hindi kilalang assailants.
Kabilang umano sa kanilang datos ang pitong bata na napatay ngayong taon lamang.