Ikinatuwa ng WWF o World Wildlife Fund ang pakikiisa ng mga kabataan sa taunang Earth hour o sabayang pagpatay ng ilaw bilang paglaban sa climate change kagabi.
Ito’y makaraang dumagundong ang hiyaw ng mga kabataan sa countdown sa SM By the Bay sa Mall of Asia Complex sa Pasay City.
Ayon kay WWF president Joel Palma, mahalaga ang papel ng mga kabataan sa pagpapanatili ng kalikasan lalo’t sila ang labis na makikinabang sa nasabing programa.
Bago ang pormal na pagpapatay ng ilaw, itinampok ang interactive climate adaption and mitigation booths kung saan, ipinapakita ang native tree planting, renewable energy technologies at disaster go-bag preparation.
By Jaymark Dagala