Itinurn-over ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Police District (QCPD) ang aabot sa higit P80-M halaga ng bagong armas at iba pang kagamitan.
Kabilang sa mga ibinigay ni Belmonte sa QCPD, ay ang mga sumusunod: robotic vehicle, sniffer rifles at sub-machine gun para sa swat teams at iba pa.
Kasunod nito, lubos na nagpasalamat ang QCPD sa mga bagong armas na ibinigay sa kanila ng Quezon City LGU.
Dagdag pa ng QCPD, ang mga armas na kanilang natanggap ay makatutulong sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan gayundin ng kanilang morale.