Handa ang TNC o Transport Network Company na Grab na ibigay sa mga awtoridad ang datos ng sender sakaling kahina-hinala ang mga ipinadadala sa kanilang package.
Ito ang tiniyak ng country head ng Grab na si Brian Cu makaraang masangkot sa sunud-sunod na kaso ng drug trafficking ang kanilang mga Grab bike drivers kung saan, isa rito ang naaresto kamakailan.
Payo naman ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa mga driver partners ng TNCs, ibayong pag-iingat ang kailangan dahil tiyak aniyang sila ang mananagot kapag nahuli sa kanila ang mga iligal na droga kahit wala silang kinalaman dito.
Kasunod nito, sinabi ni Cu na maaari aniyang tanggihan ng kanilang mga driver partners ang ipinadalang package kung ayaw pabuksan ng sender o nagpadala.
SMW: RPE