Nagpakita ng kanilang suporta kay dating Pangulong Noynoy Aquino ang mga kaibigan at kaalyado nito sa pulitika.
Sinamahan ng mga miyembro ng Liberal Party ang dating Pangulo sa paglalagak nito ng piyansa sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong graft at usurpation of authority.
Kabilang dito sina Senador Bam Aquino, Senador Franklin Drilon , dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dating Deputy Spokesperson Abigail Valte at black and white movement Convenor Leah Navarro.
Ayon kay Navarro nakakagalit at nakalulungkot ang sinasapit ngayon ng dating Pangulo.
Gayunman, tiwala si Navarro na malalagpasan ng dating Pangulo ang pagsubok na ito at lalabas din ang katotohanan.