Naglatag ang Kamara ng mga kailangang pagbabago sa National Building Code upang matiyak ang katatagan ng mga gusali sa bansa.
Sa gitna na rin ito ng sunud sunod na malalakas na lindol na tumama sa Mindanao nitong mga nakalipas na araw.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, dapat paghiwalayin ang ahensya ng gobyerno na nagpapatupad sa building code at sa mga sumusuri sa mga istruktura kung sumusunod ba ito sa patakaran.
Ang tinutukoy ni Cayetano ay ang nagbibigay ng permit o tumitingin sa plano at ang nagmo monitor o nag i inspeksyon naman kung ang itinatayo o itinayong gusali ay compliant sa building code.
Sinabi pa ni Cayetano na dapat magkaroon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan na tututok sa urban planning ng bawat lungsod at munisipalidad.