Pinuna ng Senado ang mga nakita nitong kawalan ng alokasyon sa panukalang budget ng DILG bilang pantugon sa pandemya.
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, walang nakalaan para sa pagkuha ng contact tracers sa ilalim ng proposed P248.5-B na budget ng DILG.
Dahil dito, tiniyak ni Angara kay DILG Secretary Eduardo Año na hahanapan ng Senado ng pondo ang kailangang budget ng DILG para sa pagkuha ng 25,000 contact tracers sa susunod na taon.
Sisiguruhin aniya ng Senado na tumutugon sa COVID-19 pandemic ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Magugunitang una na ng napuna ng Senado sa panukalang 2022 Budget na binalangkas ng Malakanyang ang kawalan ng pondo para pambili ng bakuna na bukod pa sa booster shots, wala rin para sa bakuna ng mga 12 hanggang 17 anyos at wala ring inilaan para sa special risk allowance ng healthcare workers. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)