Opisyal na ring tinawag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ISIS o Islamic State ang mga kalaban ng gobyerno sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ito’y makarang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagbansag na ISIS ang mga miyembro ng Maute Group at Abu Sayyaf na naghahasik ng kaguluhan ngayon sa nasabing lungsod.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Edgard Arevalo, kung ISIS na ang tawag ng Pangulo sa mga lokal na terorista, susundin nila ito bilang kanilang Commander in Chief.
Maaari anyang may hawak na impormasyon ang Pangulo na wala ang militar.
Magugunitang makailang beses nang itinanggi noon ng AFP maging ng Philippine National Police (PNP) ang presensya ng ISIS sa Pilipinas dahil nagpapapansin lang umano sa totoong ISIS ang mga local Islamist group upang makakuha ng pondo at suporta.
By Drew Nacino | With Report from Jonathan Andal