Natanggal na ang mga debris sa mga kalsada na patungo ng Boracay.
Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, humupa na rin ang mga pagbabahang idinulot ng bagyong Urduja.
Maliban dito, nakaalis na rin aniya ang mga turistang naistranded sa isla sa kasagsagan ng bagyo.
Batay sa tala ng pamahalaang panlalawigan ng Aklan, aabot sa pitong landslides ang napaulat sa lalawigan.
‘Libreng tawag‘
Samantala, naglagay ng pitong libreng tawag stations ang Globe Telecom sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Urduja.
Ayon sa Globe, matatagpuan ang kanilang libreng tawag stations sa Tacloban, Eastern Samar at Aklan para magamit ng mga biktima ng kalamidad.
Maliban dito, may libreng Wi-Fi service din na ipagkakaloob sa Tacloban City.
Bukas ang libreng tawag at Wi-Fi stations mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
—-