Baha pa rin ang ilang pangunahing kalsada sa Butuan City, Agusan Del Norte kahit wala nang ulan, kagabi.
Pina-aalalahanan naman ng lokal na pamahalaan ng Butuan ang mga residente lalo na sa mga lugar malapit sa Agusan River na lumikas na at pumunta na sa mga evacuation center.
Ayon sa CDRRMO, tumaas sa 2.05 meters ang lebel ng tubig sa naturang ilog hanggang alas nwebe kagabi.
Bukod sa local government unit, sumaklolo na rin ang Philippine Red Cross–Agusan Del Norte-Butuan sa mga lumikas na residente sa pamamagitan ng pamimigay ng hot meals.